personal

Paglaya



Hindi mabilang na buntong hininga
Tuwing maalala ang nakaraan
Kinubling kasiyahan at katotohanan
Dahil tayo ay suntok sa buwan

Pilit kong tinakbuhan
Sarili’y nagbalat kayo
Himig nitong puso’y tinago
Baka tayo pa ay magbago

Namulat sa realidad
Na walang ako, walang ikaw
Higit sa lahat walang tayo
Kahit hilingin ko man ito sa bituin

Tadhanang mapaglaro
Damdaming hindi mabiro
Umasang baka sa paghintay
Hiling ay matupad kahit papano

Araw at buwan lumipas
Hindi ko inakalang nabulag
Ang puso kong puno ng lumbay
Mundo na nawalan ng kulay

Mata’y minulat
Katotohanang dinilat
Pinalaya ang sariling nabaon
Sa pag-ibig na nilipasan ng panahon

Sa aking paglaya ngayon
Binuo ako ulit ng pagkakataon
Bukas ay haharapin
Sarili’y unting unting babangon.

-S.C.L.